Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/13

This page has been proofread.


—10—

Mangaglihim cayo sa gubat ay cumubli
houag pahalata sa may bandang huli
moro,i, cun malingat ang parang magsabi
ingat na bucina ay hipang mabuti.

Ang hudiatang yaon cun aquing matatap
na nalalagay na cayo sa panatag
caming nagpahabol babalic na agad
na cubcubin natin ang morong dulingas.

Matapos ang bilin lumacad ang guerra
bunying Sigesmundo siyang nangunguna
at hindi nalaon natanao pagdaca
yaong manĝa moro na macacabaca.

Saca sinagasa lahat nang calaban
nitong Sigesmundo hayag na general
nang hindi magahis ang guinauang lalang
sila,i, nagpahabol sa malayong parang.

Ang lahat nang moro pagdaca,i, sumunod
na inusig nila ang manga Cristianos
cay Eduardo ito namai, napanood
sila i, nagsicubli sa cabilang bundoc.

Nang Laroroon na,i, pagdaca,i, hinipan
bucinang tadhana na naguing hudiatan
at saca humiyao ang casamang tanan
moro,i, nangagulat nangag si pagtacbuhan.

Marinig ang gayon ay ni Sigesmundo
pagdaca,i, nagbalic sampo nang soldado
Escañong catoto mangag-ingat tayo
houag big-yan daan moro,i, macatacbo.

Anopat, sa gayon sa lalang nagaua
moro,i, napatibong catu'ad ay daga
maraming namatay sampo nang balita
na si Abderamin sa campo.i, nahiga.