Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/16

This page has been proofread.


—13—

Guinanap na lahat ni Eduardo naman
ang bata,i, dinala at pinabiñagan
Laveña ang bansag na naguing pangalan
saca cay Camilo doon ibinigay.

Ang lahat nang yaon ano,i, sa maganap
Eduardo,i, umui sa Palacio,i, naquiat
saca cay Peleno ay ipinahayag
na ang utos niya,i, tinupad na lahat.

Bayaan co yaon aquing lilisanin
salitang naiuan siyang sasabihin
yaong Emperador na lilo at tacsil
na si Bayoceto parang nahahaling.

Sa arao at gabi siyang alaala
ang guerrang lumacad napa sa Albania
pagcat, ang balita ay nangatalo na
sampo nang general ay napalamara.

Di caringat-dingat nama,i, sa aaquiat
ang limang nabuhay na nacapagtacas
siyang nagbalita nang bagay na lahat
nang quinasapitan sampong napahamac.

Ano,i, nang mabatid nitong Emperador
manga cagalitan ualang macaucol
caya,t, ang sinabi cayong manga pusóng
nangag parapararg nagca ayon-ayon.

May muc-ha pa cayo na dito,i, humarap
sa aqui,i, magsumbong nang gayong pahayag
mabuti sa inyo ay doon itulad
sa manga alipin ang lalong marapat.

At si Abderamin ano ang narating
pagdaca,i, sumagot itong si Brabonel
Monarcang daquila Emperador nami
nalagac sa campo hininga,i, naquitil.