Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/17

This page has been proofread.


—14—

Diyata,t, napatay ani Bayoceto
na napanganyaya ang general co
baquit nangatutong humarap pa cayo
at napaqu ta pa mga ualang apdo.

Caya mula ngayon inyong ibahin na
ang dating ugali sa paquiquibaca
hayo sa harap co magsilacad sila
sa Parteng Oriente at hangang sa Persia.

Piliin ang madlá na manĝa datihan
soldadong bihasa na pauang matapang'
sumunod na bigla at hindi naliban
guinanap ang utos nang Monarcang mahal.

Di nahbang arao nagcatipong lahat
ang manga vasallong pauang mararahas
nang sa Emperador ito,i, sa matatap
pagdaca,i, nagsabi gayon ang pahayag.

Adonais lacad ang iyong lingapin
ang napanganyayang manga campon natin
caya hayo cana Albania,i, lacbain
icao ang general na punong susundin.

Upang mabaui mọ ang nanġapahamaċ
ang naquitlang buhay nang caual cong lahat
sa cay Adonais ito,i, sa matatap
nang arao ring yao,i, pagdaca,i, lumacad.

Lisanin co yaon aquing ipatungo
dito sa Príncipeng hayag na Peleno
inacala niya ang puso,i, dinayo
dahil sa pag-ibig na sinisimbuyo.

Manai, naisipan ay siya,i, pumanhic
sa Torreng tahahanan nang Duquesang ibig
nang naroroon na muc-ha,i, nang masilip
ay sinalacayan nang malaquing galit.