Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/19

This page has been proofread.


—16—

Eduardo yaon na ang nasoc sa hagap
isang batang patay pagdaca i, humanap
diua,i, talaga na namang naguing palad
siya,i, nacaquita na sa paglalacad.

Pagca,t, talaga na nang Poong may capal
at aua sa ating lahat niyang caual
na may isang bata at cusang na masdan
na ililibing na nang manga magulang.

Siya,i, naquiusap sa naturang ama
na cun mangyayari cun ibig po niya
samo co sa inyo cun minamaganda
na ang maglilibing naman ay aco na.

Pilac ay cayo ang aquing bibig-yan
ang batai, mangyaring maiui co lamang
nang marinig ito naman nang magulang
bigla nang pumayag cay Eduardo naman.

Salapi iniuan ang bata,i, dinala
dito cay Peleno_ay ipinaquita
tanong nang sucaban na baquit aniya
ang dala mo rito na bata,i, patay na.

Tugon ni Eduardo dili iba,t, ito
ang inihabilin doon cay Camilo
diyan po sa raan ito,i, binigti co
nang di mamanchahan ang manga camay mo.

Cun gayo,i, ilapit anitong sucaban
iyang batang patay aquing iiuaan
nang maidulot na sinacsac nang puñal
sa isang bandeja doon inilagay.

Saca cay Eduardo ay ipinadala
nitong tampalasang lilo,t, palamara
ngayon din lumacad iyong ipaquita
sa cay Sigesmundo nang mapagquilala.