Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/21

This page has been proofread.


—18—

Hinamac mong lahat at iyong tiniquis
ang carangalan co ay iyong linait
palibhasa,i, sucab at uala cang isip
di mo inacala ang manga matouid.

Patauad cun gayon ani Sigesmundo
cun minamali mo itong guinaua co
hindi mangyayari tugon ni Peleno
huli na sa aquin ang pamamanhic mo.

Aco at aco rin ang may casalanan
di dapat sumisi sa para mong hunghang
anong hahanapin na magandang asal
sa isang masama ang pinangalingan.

Ani Sigesmundo di co na matiis
paglabag sa puri nang Ina cong ibig
caya mag-ingat ca itong aquing caliz
sa tacsil mong loob ang siyang papatid.

Iniuaan nanga,t, tagang ualang pucnat
nang inaping buhay Principe,i, nasadlac
na napanganyaya munti nang nautas
itong palamarang tampalasa,t, sucab.

Nang magcagayon na sa di macatagal
sa cay Sigesmundo nang paquiquilaban
humiyao ang tacsil na siya,i, daluhan
aco ay agauin sa camamatayan.

Ano,i, sa marinig nang bunying Monarca
voces ni Peleno nanaog pagdaca
agad dinaluhan nitong na sa dusa
saca sa Palacio,i, ipinanhic nila.

Mabilis na utos ang sa haring órden
na si Sigesmundo ay biglang gapusin
nang tatalian na pagdaca i, dumating
ang mahal na Reina at saca nagturing.