Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/23

This page has been proofread.


—20—

Inacala niya ang siya i, sumulat
nang ilang catagang manga pangungusap
matapos ang gayon saca iguinauad
dito cay Escaño siya,i, nagpahayag.

Catoto ang aquin na ipagb bilin
umoui ca sa Reino na magpacatulin
sa cay Policena ang iyong sabihin
na may arao cami na magquiquita rin.

Na cun mangyayari sa sulat mong dala
ay iyong ibigay sa bunying Duquesa
tuloy sabihin mo na gantihin niya
calangcap ang aquing manga alaala

Escaño,i, sumunod at biglang lumacad.
sinapit ang Reino limbas ang catulad
nang dumating doon biglang iguinauad
sa cay Policena ang nasabing sulat.

Binasa pagdaca at cusang nabatid
ang cay Sigesmundong buhay na nasapit
at saca quinuha tintero,i, guinamit
sumulat nang ilang salita sa ibig.

Matapos ang gayong manga bagay-bagay
sulat ay tiniclop at pinacahusay
ini-abot niya saca ini-alay
dito cay Escaño at saca nagsaysay.

Lacad na ang iyong sabihin na lamang
sa cay Sigesmundo itong dinaramdam
di co alumana cundi ang siyang
ang ala-ala cong na sa cahirapan.

Ang bagay na yaon aquing lilisanin
Príncipe Peleno ang siyang sabihin
iyong dinaramdam hirap nang panimdim
saquit na dinala pagdaca,i, gumaling.