Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/26

This page has been proofread.


—23—

Nalalagay roon aniya Sigesmundo
guilio co,i, mahabag sa abang lagay mo
cunin mo sa hirap itong esposa mo
dito at saca icao pasaclolo.

Humingi cang tulong icao ay samahan
niyong Emperador sa Turquiang calac-han
maghanda nang guerra piliting masamsam
ang Corona,t, Cetro huag biguian daan.

Na cun maganap na maagao ang Trono
unahing patain yaong si Peleno
at sapagca,t, siya ang naguing simbuyo
na pinangalingan nang manga hirap mo.

Sucat hangan dito ay mangyaring sundin
at aco sa hirap bigla mong agauin
na pipirmahan co iyong talastasin
bunying Sigesmundo dito ititiguil.

Panucalang yaon namai, nahayag na
nang Duque Estorpo at bunying Monarca
manga cagagauan ay ni Policena
na ang Reino natin ay mapapalamara.

Caya ang uica co tayo ay maglaan
ganti sanang yari na pinangalingan
nang icasasama nitong Caharian
hatol co ngayon din ay inyong gampanan.

Na si Policena dalhin at itapon
sa dagat itungo ilulan sa daong
sampo ni Escaño na isama tuloy
ualang sasanla na sa aquing hatol.

Guinanap na lahat di pinamalayan
sa mahal na Reina ang pinag-usapan
ualang sumansala na sino,t, alinman
nangyari nang nayari yaong cahatulan.