Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/27

This page has been proofread.


—24—

At ipinaquita sa cay Policena
ang hatol nang Hari at dala nang ama
nang mabasa naman nitong lipos dusa
umagos na lamang ang luha sa mata.

Poon co,t, ama co diyata uala na
sumansala nitong hatol nang Monarca
pauang nagcaayon at nagca isa-isa
tugon ni Estorpo sa dala mong sala.

Narito ang sulat icao ang may gaua
ang Reino sa iyo,i, mapapanganyaya
paano caya baga na matitimaua
itong cahatulan sa masamang gaua.

Ani Policena ama co,t, magulang
pangalauang Dios na iguinagalang
sulat cong guinaua baquit nahuaran
ang nagmunucala nitong caliluhan.

Di itinatangui aco ay sumulat nga
sa cay Sigesmundong aquing minumutia
at hindi ganito itong pagcalagda
inilagay nila nang ganitong sama.

Uica ni Estorpo ualang pangyayari
icao rin ang siyang aquing sinisisi
na cun sinunod mo di mapaparati
ang parusang ito tacsil na babai.

Caya hayo cana at di co na ibig
na macausap pa icao at masilip
poon co,t, ama co di cana nahapis
dini sa bunso mo na tatangis-tangis.

Poon at ama co sapagca t, yayaman
di na mababago yaong cahatulan
papangyarihin mo sa aqui,i, pacamtan
na ang bendición mong camahal-mahalan.