Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/28

This page has been proofread.


—25—

Bunso,i, mangyayari nguni,t, hindi dapat
sa isang para mong tampalasang anac
nguni,t, sa aba co langit na mataas
itong hininga co tila mauutas.

Si Estorpo biglang naboual pagdaca
sinacbibing agad ay ni Policena
ay amang ama co ang ipinagbadya
baui ang buhay mo at manga paghinga.

Ang bagay na yaon nama,i, sa darating
itong si Peleno na lilo at tacsil
soldado ay casama at dala ang órden
sa cay Policena lumapit na tambing.

Icao sa lagay mo ó dilag nang langit
ihinto sa loob dinadalang hapis
at narito aco na isang Arco-iris
sa unos nang lumbay na macabibihis.

Tangapin ang aquing lungoy na pagsinta
at aco ang lunas sa Haring parusa
ani Policena sucab palamara
hindi co na ibig icao ay maquita.

Na causapin pa hindi cailangan
magdulot sa aquin nang anoman lamang
mainam sa iyo ang hayop sa parang
na panooring co,t, maganda ang asal.

Diyata poon co uica ni Peleno
di mo alumana itong pag-ibig co
hatol pagmalasin ngayon ay taglay co
sampo nang soldado ay casama co rito.

Mahihintong lahat sampo nang parusa
tangapin mo lamang ang aquing pagsinta
ani Policena hangang may hininga
sa aqui,i, uala cang cacamtang guinhaua.