Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/29

This page has been proofread.


—26—

Soldado.i, lacad na ilulan sa daong
uica ni Peleno hintay aquing poon
iyong pagmalasin ang taas nang alon
camamatayan mong ualang sala ngayon.

Ang manga mata mo mangyaring iṭitig
ilingap mo ngayon at icao mahapis
tugon nang may dusa buhay mai, maalis
minamasarap co biguian man nang saquit.

Aco may maghirap ay minamasarap
mauala sa mundo siyang hinahangad
toua nang loob co lason may lalangap
sa asal mong hayop aco,i, di papayag.

Soldado,i, halina at aco,i, samahan
sa dagat ay dalhin sa daong ilulan
tutupdin ang utos icamatay co man
houag lamang maquita icao tampalasan.

Yao nat, nilulan nang manga soldado
sa nasabing daong siya,i, napatungo
ang bilis nang hangin sampo ni Escaño
ang casama niya doon sa simbuyo.

Ang taas nang alon ay catacot-tacot
cun tingnan ang barca ay halos lumubog
ang abang may hapis na nasasaloob
agad nanalangin na sa iisang Dios.

Sa pananalangin sa Poong may gaua
mabilis na hangin naman ay humupa
barca ay tumiguil sa pinacaguitna
nang naturang dagat doon napayapa.

Lisanin co yaon na ang sabihin co
ang sucab na asal tacsil na Peleno
at saca ang Duqueng hayag na Estorpo
ay nagsauli rin hiningang yumao.