Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/30

This page has been proofread.


—27—

Sapagca,t, hindi na naquita ang anac
nang mahal na Duque lumacad na,t, sucat
si Pelenong tacsil nag-isang nalagac
sa sarili niya siya,i, nagpahayag.

Cahit dulangin co itong sangsinucob
at isa-isahin ang cay amang sacop
uala nang pumaris sa Duquesang-bantog
na macacabagay sa tigas nang loob.

Inaalayan co nang suyo at pagsinta
hindi alumana na cun baquit baga
minamatamis pang manao ang hininga
na ang pag-ibig co,i, niualang halaga.

Caya buhat ngayon itong aquing asal
di na babaguhin hangang camatayanv Reino,i, guguluhin ang ama cong hunghang
aquing papatain sa galit cong tangan.

Magcagayon na ang lilo cong ama
ay pasasa aquin ang Cetro,t, Corona
cun aco ang Hari mapagquiquilala
ang lahat nang bagay masusunod co na.

Aco,i, lalacad na ngayon din papanhic
doon sa Palacio,i, magmamasidmasid
Hari sa lagay niya cun natatahimic
aquing papatain sa dala cong galit.

Lisanin co siya at ang sabihin co
ang batang alaga nitong si Camilo
panaho i, dinating icalabing pito
edad ni Laveña nilacad sa Mundo.

Manang isang arao pagdaca,i, tinauag
nitong si Camilo siya,i, quinausap
bunsong guiniguilio icao ay maquimatiag
sa sasabihin co at ipahahayag.