Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/6

This page has been proofread.


—3—

Sa magcagayon na ay pinabiñagan
ang dalauang sangol nang Haring marangal
ang na pa sa Reina,i, Peleno ang ngalan
at si Sigesmundo,i, ang sa dama naman.

Ang guinauang yaon nang Haring daquila
sa Reino,i, uala na nacahalata
arao ay tumacbo panaho,i, humaba
sumapit ang edad nitong manga bata.

Sapagcat, panganay itong si Peleno
sa Reino,i, siyang naguing eredero
minahal nang Haring bunying si Eleno
at sa Reina nama,i, itong Sigesmundo.

Caya nga,t, ang mundo,i, sa biniling-biling
arao sa pagsicat parang nagtutulin
ang Reina,i, nuli siya,i, nagcasupling
nang isang babaing princesang butihin.

Nang mabiñagan na,i, Cloriana ang tauag
ang ganda,i, sabihin ualang macatulad
daming nalulugod dahilan sa dilag
pinagpalaluan ang lahat nang Ninfas.

Lisanin co yaong aquing ihimaling
itong salita co,i, pagsusundinsundin
sa loob nang Reino,i, may isang butihin
na si Policena ang bansag at turing.

Na duquesang hayag anac ni Estorpo
sa Haring Eleno na naguing Privado
siyang sinisinta nitong si Peleno
iniibig naman nitong Sigesmundo.

Anopa,t, sa gayon itong magcapatid
na nagcapangagao sa duquesang diquit
itoi, talaga na nang Dios sa langit
bunying Sigesmundo ang siyang naibig.