Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/8

This page has been proofread.


—5—

Paanong di pagsunod ang bagay na ito
na umalinsunod ang Duque Estorpo
di cun Hari ca na,t. na gumugobierna
anac naman niya,i, Reina nitong Reino.

Nang oras ding yao,i, ipinatauag na
ang nasabing Duque sa duquesang ama
di naman nalao,i, dumating pagdaca
palibhasa,i, utos nang bunying Monarca.

Hari nangusap Duqueng sacdal taas
na cun caya lamang quita,i, ipinatauag
dahil cay Peleno na tunay cong anac
sa cay Policena na cun mararapat.

Pagca,t, ualang iba dito,i, eredero
nang aquing corona cundi si Peleno
caya sumagot ca sa hinihiling co
uica ni Estorpo mabunying Eleno.

Paanong di pagpayag at aco i, sumunod
una,i, puno quita cami ay nasasacop
at ang icalaua ang anac cong irog
ay pipintuhuin nang lahat mong sacop.

Caya,t, ang sagot co monarcang mataas
sa hinihiling mo aco,i, pumapayag
paalam na muna at ang aquing anac
ang pagsasabihan na sa ating usap.

Duque ay nalis na sinabi pagdaca
ang pinag-usapan sa cay Policena
at nang matalastas nang anac na sinta
pagdaca,i, sumagot sa naturang ama.

Hindi po marapat na ipagcayari
aco cay Pe'eno at sa amang Hari
icao po ama co dapat na mag-uari
nang lahat nang bagay tila namamali.