Para sa banal na aklat ng mga Cristiano, tingnan ang Bibliya (Tagalog).

Sura 1: Al-Fatihah (Ang Pasimula)

edit

(Isiniwalat sa Mecca)

1 Sa pangalan ni Allah, ang Mapagbigay, ang Maawain.

2 Ang papuri ay para kay Allah, Panginoon ng mga Daigdig.

3 Ang Pinakamabait, ang Pinakamaawain.

4 Ang Panginoon ng Araw ng Paghuhukom.

5 lkaw (lamang) ang aming sinasamba; lkaw (lamang) ang hinihingan namin ng tulong.

6 lpakita sa amin ang tuwid na landas;

7 Ang landas ng mga taong pinagkalooban Mo ng mga pagpapala, ni ang mga nagalit Mo o ang mga naligaw ng landas.

Sura 2: Al-Baqarah (Ang Baka)

edit

(Isiniwalat sa Medina)

Sa pangalan ni Allah, ang Mapagbigay, ang Maawain.

1. Alif. Lam. Mim.

2. Ito ang Aklat (Qur'an) na walang pag-aalinlangan, isang patnubay para sa mga matuwid (sa Allah)

3. Yaong mga naniniwala sa hindi nakikita at nagsasagawa ng pagdarasal at gumugugol ng anumang ipinagkaloob Namin sa kanila.

4. At ang mga naniniwala sa kung ano ang ipinahayag sa iyo (O Propeta Muhammad), at sa kung ano ang ipinahayag bago sa iyo (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), at sa Kabilang-Buhay, sila ay nakatitiyak sa Kabilang-Buhay.

5. Ang mga ito ay (tunay na) nasa patnubay mula sa kanilang Panginoon, at ito ang mga matagumpay.

6. Katotohanan, para sa mga yaong hindi naniniwala, ito ay pareho para sa kanila kung babalaan mo sila o hindi sila bigyan ng babala, hindi sila maniniwala.

7. Ang Allah ay naglagay ng tatak sa kanilang mga puso at sa kanilang pandinig, at sa kanilang paningin ay isang tabing, at para sa kanila ay isang malaking kaparusahan.

8. At kabilang sa mga tao ang mga nagsasabing, “Kami ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw,” ngunit sila ay hindi mga mananampalataya.

9. Nililinlang nila ang Allah at ang mga naniniwala sa iyo, ngunit wala silang dinadaya maliban sa kanilang sarili, at hindi nila ito napapansin.

10. Sa kanilang mga puso ay may sakit, kaya dinagdagan ng Diyos ang kanilang sakit, at para sa kanila ay isang masakit na parusa dahil sila ay nagsinungaling.

11. At kapag sinabi sa kanila, "Huwag gumawa ng katiwalian sa lupa," sinabi nila, "Katotohanan, kami ay mga tagapagpayapa lamang."

12. Hindi ba sila talaga ay ang mga gumagawa ng kasamaan? Nguni't hindi sila makatanto.

13. At nang sabihin sa kanila, "Magsampalataya kayo kung paano nagsampalataya ang ibang tao," kanilang sinabi, "Sasampalataya ba kami kung paano nagsampalataya ang mga hangal?" Tunay, sila ang mga hangal, ngunit hindi nila nauunawaan.

14. At kung kanilang nakakakatagpo ang mga sumasampalataya, sila ay nagsasabi, "Kami ay sumasampalataya", ngunit kapag nag-iisa sa kanilang masasamang kasama ay sinasabi nila, “Katotohanang kami ay nasa panig ninyo, (ngunit) kami ay nagbibiro lamang.”

15. Ang Allah (Kaniyang SariIi) ay nangutya sa kanila, at ginagawa silang bulag sa kanilang pagsuway.

16. Ang mga ito ay silang bumili ng pagkakamaling kabayaran ng batayan, kaya ang kanilang pangangalakal ay hindi umunlad, o sila ay pinatnubayan.

17. Ang katulad nila ay tulad sa isang nagsindi ng apoy, at nang ito ay magbigay ng liwanag nito sa palibot niya, kinuhang palayo ni Allah ang kanilang liwanag at iniwan sila sa kadiliman at doon sila ay hindi makakita.

18. Bingi, pipi at bulag, hindi na sila bumabalik.

19. O kaya parang isang bagyong mula sa langit na may kalakip na kadiliman, kulog, at kidlat na nagpapadala ng takot sa kanila, na kanilang itinutok ang kanilang mga daliri sa kanilang mga tainga mula sa kidlat, dahil sa takot sa kamatayan. At ang Allah ay napaliligiran ang mga hindi nagsisampalataya."

20. Ang kidlat ay halos nakawin ang kanilang paningin. Tuwing nagbigay ito ng liwanag, sila'y naglalakad doon, at kapag ito'y nagdilim sa kanila, sila'y tumatayo. At kung naisin ng Allah, kanyang tatanggalin ang kanilang pandinig at paningin. Katotohanan, ang Allah ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.".

21. O sangkatauhan, sambahin ninyo ang inyong Panginoon, na lumikha sa inyo at sa mga nauna sa inyo, upang kayo ay maging matuwid.

22. Siyang nagtakda sa daigdig bilang isang lugar na pahingahan, at sa langit bilang bubong; at gumawang ang tubig ay dumaloy pababa galing sa langit, sa gayon gumagawa ng mga bungangkahoy bilang pagkain para sa inyo. At huwag magtaguyod ng mga kaagaw ni Allah dahil sa higit mong alam.

23. At kung ikaw ay may alinlangan tungkol diyan sa Aming isiniwalat sa Aming tagapaglingkod (Muhamad), sa gayon gumawa ng isang surang katulad roon, at tumawag ng inyong mga saksi bukod kay Allah kung kayo ay matapat.

24. At kung ito ay hindi ninyo gawin – at hindi ninyo talaga ito magagawa – sa gayon bantayan ang inyong mga sarili laban sa apoy na inihanda para sa mga hindi naniniwala, na ang panggatong ay sa mga tao at mga bato.

25. At magbigay ng masayang mga pambungad (O Muhamad) sa mga yaong naniniwala at gumagawa ng mabuting mga gawa; na ang kanila ay mga Harding sa ilalim ay mga ilog na dumadaloy; na tuwing sila ay pinagbibiyayaan ng pagkain ng mga bungangkahoy doon, sila ay nagsasabi: Ito ay ang anong ibinigay sa atin noong araw, at ito ay ibinibigay sa kanila sa katularan. Doon para sa kanila ay dalisay na mga kasama; doon sila mamamalagi magpakailanman.

26. O! si Allah ay hindi masisiphayo sa paghahalintulad ng katularan kahi't sa isang napakaliit na kulisap o pinakamaliit na bagay sa ibabaw nito. Ang mga yaong naniniwala ay alam na ito ay ang katotohanan galing sa kanilang Panginoon; nguni't ang mga yaong hindi naniniwala ay nagsabi: Anong mithi ni Allah na (magturo) sa pamamagitan ng ganyang isang katularan? Siya ay nagligaw sa marami sa gayon; at Siya ay pumatnubay sa marami sa gayon; at Siya ay nagligaw sa gayon sa mga hindi naniniwala lamang;

27. Ang mga yaong sumira sa kasunduan ni Allah matapos pagtibayin ito, at naghiwalay niyang ipinag-utos ni Allah na pagbuklurin, at (mga) gumawa ng kasamaan sa lupa: Ang mga yaon ay silang mga talunan.

28. Paanong hindi kayo maniniwala kay Allah samantalang dati kayong patay at Siya ay nagbigay sa inyo ng buhay! Pagkatapos bibigyan kayo Niya ng kamatayan, pagkatapos buhay na mag-uli, at pagkatapos sa Kanya kayo ay babalik.

29. Siya itong lumikha para sa inyo ng lahat na nasa lupa. Pagkatapos Siya ay pumihit sa langit, at humubog nito bilang pitong mga langit. At Siya ay Tagaalam ng lahat ng mga bagay.

30. At nang ang inyong Panginoon ay nagsabi sa mga anghel: O! Ako ay maglalagay ng isang sugo sa lupa, sila ay nagsabi: Ikaw ba ay maglalagay sa loob noon ng isang makasasakit sa loob noon at magpapadanak ng dugo, samantalang kami, kami ay umaawit ng Iyong papuri at nananalig sa Iyo? Siya ay nagsabi: Sa katunayan Aking alam iyang hindi ninyo alam.

31. At Kanyang tinuruan si Adan ng lahat ng mga pangalan, pagkatapos ipinakita sila sa mga anghel, sinasabi: Ipaalam sa akin ang mga pangalan ng mga ito kung kayo ay matapat.

32. Sila ay nagsabi: Maging pinarangalan! Wala kaming alam maliban diyan sa itinuro Mo sa amin. O! Ikaw, Ikaw lamang ay ang Tagaalam, ang Paham.