Si Rupino na Nakatatanda sa Akileya; Ang Pahiwatig Niya sa Aklat ni Clemente Tungkol sa Mga Paalala
Para sa Obispong si Gaudencio
editTungkol nga sa iyo, O Gaudencio na pinili mo ang kaluwalhatian ng aming panggagamot, na nabibilang gayon sa puwersa ng pag-iisip, oo, gayong pagpapala ng Espiritu, kaya anoman ang iyong sabihin tungkol sa daan ng iyong palaging pangangaral, anoman ang iyong ihatid sa Iglesya, na kailangang mapanatili ang mga aklat, at maipamana sa susunod na sali't saling lahi para sa kanilang katuruan. Ngunit kami, na may kaunting pang-unawa ay hindi gaanong nakalaan, at sa panahon ngayon ay banayad at mapayapa, bagama't pagka maraming abala, na sa mahabang pagdalo sa iyo ng mga gawain kung minsan; ang dalagang si Silvia na may kakayahang mag-isip ay may tagubilin sa amin, na kami ay magpapaging dapat kay Clemente sa wika namin, pagkaraang namana ang mabuting sakdal sa amin; at sa ganitong paraan nangag-ambag kami ukol sa kaugalian at kapakinabangan ng ating bayan, hindi hamak na samsam, gaya ng inaakala ko, ang pagkuha mula sa aklatan ng mga Griego, kaya kami na ang magpapakain kalakip na panlabas ng sustansiya sa mga yaong hindi namin kasalo na mayroon kami. Sapagka't ang naiiba sa mga bagay na pangkaraniwan ay tila parehong mas kaaya-aya, at kung paminsan rin ay mas kapaki-pakinabang. Sa madaling salita, halos ang lahat ng mga bagay ay naiiba na nagdudulot ng kalunasan sa aming katawan upang labanan ang mga sakit, at puksain ang mga lason. Sapagka't ang Judea ay nangapahid sa amin ng luha, at ang tungkos ng halamang diteni ng Crete, Arabia: ang bulaklak niya ay may kasiglahan, India: kaniyang inanihan ang mga pananim ng nardo, na bagama't kanilang iniatang tayo sa kaunting labis na kasiraang kondisyon kaysa nag-iwan sila doon ng kanilang sariling bukirin, nguni't nanatiling buo ang tamis ng kanilang amoy at ng kanilang nakakagamot na birtud. Kaya nga tanggapin mo ang aking diwa na si Clemente ay mangagbalik sa iyo; at tanggapin mo siya ngayon sa isang gayak pang Romano. At huwag kang mamangha, kung magkataon na ang marangyang pagsang-ayon sa mahusay na pagsasalita ay kaunting hayag sa kaniya kaysa ugali. Ito'y walang sangkap, nguni't nakalaan rin ang diwang panlasa. Sa gayon ay ating ihatid ang pagtitipong handa sa bayan natin, kalakip ng mga gawang marami. At hindi ko maalaman kung gaano ko tumanaw ng utang na loob sa harapan ng mga kababayan kong sumalubong sa akin, upang dalhan sila ng mga saganang samsam ng Gresya, at isiwalat ang nakatagong yaman ng karunungan kalakip ang susi ng aming wika. Datapuwa't pagbigyan nawa ng Diyos ang iyong panalangin, na walang nagmamasid na masama, ni ng anumang pagkakaalit ang sumalubong sa atin, baka sa isang matinding uri ng kagila-gilalas na bagay, habang ang mga iyon na kaniyang tinanggap ay hindi niya pinagiinggitan, nguni't yaong nangagbigay sa kaniya ay dapat dumaing. Tunay ngang ito'y matuwid upang ituro ang balangkas ng aming pagsasalin sa iyo, na kanila ring binabasa ang mga gawang ito sa Griyego, o di kaya'y iniisip mo sa ilang mga bahagi ng kaayusan ng pagsasalin ay hindi pinag-iingat. Ipinapalagay ko na may kamalayan ka roon sa dalawang salin na nasa Griyego ng gawang ito ni Clemente,- 'Αναγνώσεις , iyan ay Pagpapahalaga; at nang may dalawang likom ng aklat na magkaiba sa mga paksa, nguni't magkakatulad rin ang ibang mga salaysay. Sa madaling sabi, ang huling bahagi ng kuwentong ito'y kung saan may kaugnayan ang tungkol sa pagbabagong-anyo ni Simon, na nakapaloob sa isa sa mga likom, subali't hindi ang lahat ay nangasa iba. At mayroon din sa dalawang likom ang ilan sa mga disertasyon tungkol sa Diyos na Di-ipinanganak at sa Anak, at sa ibang mga paksa, na mas lalong hindi na sinasabi ay kabilang sa aming pang-unawa. Kaya nga ang mga ito ay napili ko ayon sa abot ng aming kakayahan, upang ilaan sa kanila ang sapat kaysa gumawa nang isang hindi ganap na estado. Subali't sa mga natira'y ibinigay namin ang aming pagsusumikap, sa ganang kami ay huwag magpabagu-bago ng anuman ng dahil sa damdamin o ng dahil man sa wika at sa pamaraan ng pananalita; at ngayon, bagama't inilarawan ang estilong ito sa salaysay na may kaunting gayak, na bagaman ito ay pagtibayan ng mas lalong tapat. Ang sulat rin ni Clemente, ay ipinasulat para kay Santiago na kapatid ng Panginoon, na ipinagbigay-alam sa kaniya ang pagkamatay ni Pedro, at nang mag-iwan siya sa kaniya ng kahalili niya sa kaniyang luklukan at sa pagtuturo; at sa alin mang mga paksa tungkol sa hanay ng iglesya ay tinalakay, ako'y hindi magpapa-unlapi sa gawang ito; at dahil sa ito'y nahuli ang petsa, ay dahil naisalin ko na ito at nailathala. Datapuwa't hindi ko iyon maalaala sa labas ng dako, upang linawin pa rito kung ano ang sa sulat na iyon ang ibig malaman na para baga ang ilan ay ukol sa magkakasalungat. Sapagka't ang ilan na nagsitanong, dahil kay Lino at kay Cleto na mga obispo sa bayan ng Roma kaysa kay Clemente, sa anong kadahilanan niya ito sinulatan si Santiago na nagsasabing ang luklukan ng pagtuturo ay ibinigay sa kaniya ayon kay Pedro? Sa ngayon ay aming narinig ang paliwanag na ito, na si Lino at Cleto ay tunay ngang mga obispo na nasa bayan ng Roma kaysa kay Clemente, nguni't nang mga panahon ng buhay ni Pedro: iyan ay, nang sila'y nagsagawa ng pamamahala sa posisyon ng obispo, at nang tumupad siya sa katungkulan ng pagkaapostol; ayon din sa pagkatagpo sa mga nangyari sa Cesarea, kung saan siya mismo ay naroon, gayon pa man ay kasama niya si Zacqeo, na itinalaga sa pamamagitan niya, bilang pagka-obispo. At sa paraang ito'y dalawang ulat ang gustong palitawin upang magkatotoo, na ang dalawang obispo na ito ay isaalang-alang sa harapan ni Clemente, at upang makamit ni Clemente ang luklukan ng Guro nang dahil sa kamatayan ni Pedro. Datapuwa't pabayaan nating makita sa ngayon, kung gaano isinulat ni Clemente ang tungkol kay Santiago na kapatid ng Panginoon, ang pasimula ng kaniyang salaysay.