UST Baybayin Document A (1613)

UST Baybayin Document A (1613)
Doña Catalina Baycan
331210UST Baybayin Document A1613Doña Catalina Baycan


ᜐᜓᜎ ᜶ ᜐᜎᜓᜉ ᜶ ᜈᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜀᜌᜒᜌ ᜶ —ᜉᜒᜆᜒᜉᜓᜏᜓᜐᜓᜎᜉᜒ

ϒ̶ ᜐᜊᜌ ᜶ ᜈᜆᜓᜇᜓ ᜶ ᜐᜁᜃᜎᜊᜒᜎᜒᜋᜀᜇ ᜶ ᜈᜊᜓᜏ ᜈᜉᜒᜊᜒᜇᜓ ᜶ ᜐᜆᜂ ᜶ ᜐᜎᜒᜊᜓᜀᜈᜒ ᜶ ᜈᜇᜀᜆᜂ ᜶ ᜀᜎ ᜊᜒᜆᜎᜓ ᜶ ᜆᜂ ᜶ ᜀᜃᜓᜐᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜶ ᜊᜌᜒᜃ ᜶ ᜋ ᜄᜒᜈᜓᜂ ᜶ ᜐᜆᜓᜇᜓ ᜶ ᜀᜃᜓᜋᜎᜓᜉ ᜶ ᜋᜅᜃᜊᜑᜄᜒᜃᜓ ᜶ ᜐ ᜃᜉᜆᜒᜃᜓ ᜃᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜐᜒᜐᜒᜌ ᜶ ᜁᜉᜒᜈᜊᜒᜎᜒᜃᜓ᜶ ᜃᜇᜓᜀᜇᜎᜒ ᜶ ᜃᜉᜒᜁ ᜶ ᜆᜄᜇᜒᜎ ᜶ ᜈᜉᜒᜆᜓᜉᜓᜏᜓ ᜶ ᜐᜎᜉᜒ ᜶ ᜀᜄᜈᜃᜑᜆᜒ ᜶ ᜈᜒᜂᜆᜓᜊᜒᜄ ᜶ ᜌᜂ ᜶ ᜀ ᜆᜒᜉᜈᜋᜒ ᜶ ᜈᜒᜇᜓᜀᜇᜎᜒ ᜶ ᜉᜒᜁ ᜶ ᜀᜃᜓᜁᜆᜓᜎᜓᜉ ᜁᜆᜓ ᜶ ᜋᜃᜂᜐ ᜶ ᜀᜐᜒᜌᜋᜊᜊᜌ ᜶ ᜐᜒᜇᜓᜌ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜊᜌᜒᜃ ᜶ ᜀᜃᜓᜇᜒᜌ ᜶ ᜀᜐᜎᜉᜒᜉᜒᜆᜓ ᜉᜓᜏᜓ ᜶ ᜐᜒᜌ ᜶ ᜁᜐᜐᜂᜎᜒ ᜶ ᜃᜇᜓᜀᜇᜎᜒᜉᜒᜁ ᜀᜌᜂ ᜶ ᜎᜓᜉ ᜶ ᜋᜂᜂᜏᜒ ᜶ ᜃᜇᜓᜌ ᜶ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜊᜌᜒᜃ ᜶ ᜈᜄᜈᜃᜑᜆᜒ ᜶ ᜈᜆᜓᜊᜒᜄ ᜶ ᜈᜁᜉᜒᜈ ᜊᜒᜎᜒᜃᜓ ᜶ ᜀᜉᜃᜆᜓᜆᜓᜂ ᜶ ᜀᜐᜐᜒᜈᜋᜒᜈᜒᜆᜓ ᜀᜋᜒᜆᜒᜉ ᜶ ᜐᜒᜇᜓᜀᜄᜓᜆᜒ ᜶ ᜃᜐᜓ ᜶ ᜐᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜋᜇᜒ ᜌ ᜶ ᜄᜒᜆᜓᜁᜈᜋᜀᜐᜏ ᜶ ᜀᜃᜓᜈᜉᜒᜋ ᜶ ᜈᜅ ᜎᜃᜓ ᜶ ᜐᜉᜓᜈᜋᜅᜐᜐᜒ ᜶ ᜀᜃᜓᜐᜓᜋᜓᜎ ᜶ ᜎᜓᜏᜒ ᜉᜂᜇᜆ 

ᜇᜓᜌᜋᜇᜓᜌ
ᜄᜒᜆᜓ

ᜇᜓᜌ ᜶ ᜃ
ᜆᜎᜒᜈ ᜊᜌᜒ
 

ᜀᜃᜓᜐᜓᜋᜓ
 ᜶ ᜎᜓᜁᜉ
ᜂᜇᜆ ᜶ —

ᜇᜓᜀᜄᜓ
ᜃᜐᜓ

Transliteration

edit

Sulat sa lupa ni Doña Catalina Baycan — pitong puong salapi.

Sa bayan ng Tondo, sa ikalabing-limang araw ng buwan ng Febrero, sa taong sanlibo't anim na raang taon at labing tatlong taon: Ako si Doña Catalina Baycan, maginoo sa Tondo. Ako’y may lupa, mga kabahagi ko sa kapatid ko, kay Doña Cecilia. Ipinagbili ko kay Don Andres Capiit, taga-Dilao, ng pitong puong salapi ang ganang-kahati nitong tubigang yaon. Ang tipan namin ni Don Andres Piit ay kung itong lupang ito’y magkausap, ang siyang magbabayad si Doña Catalina Baycan; at kung diyan, ang salaping pitong puo’y siyang isasauli kay Don Andres Piit, at yaong lupa’y mauuwi kay Doña Catalina Baycan na ganang-kahati ng tubigan na ipinagbili ko. Ang pagkatotoo at saksi namin nitong aming tipan si Don Agustin Casso, si Doña Maria Guintoin na mag-asawa. Ako’y nagfirma ng ngalan ko sampon ng mga saksi. Ako'y sungmulat, Luis Pagondatan.

Doña Maria Guinto. Doña Catalina Baycan. Ako'y sungmulat, Luis Pagondatan. Don Agustin Casso.

See also

edit


  This work was published before January 1, 1930, and is in the public domain worldwide because the author died at least 100 years ago.