Ang Aklat ng mga Awit
Support
Kabanata 1
edit
- 1 Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng mga masama;
- At hindi humihinto sa daan ng mga makasalanan,
- Ni nakaupo sa upuan ng mga manglilibak.
- 2 Sa halip, kaniyang kasayahan ay ang kautusan ni Yahweh,
- At siya'y nagmumungkahi ng araw at gabi.
- 3 Siya'y magiging parang punong nakatanim sa tabi ng mga agos ng tubig,
- Na nagbubunga sa kaniyang panahon,
- Na hindi nalalanta ang dahon niyaon;
- Anumang gawin niya ay magtatagumpay.
- 4 Hindi ganyan ang mga masama,
- Kundi gaya ng ipinapagpag ng hangin ang mga agas-agas.
- 5 Kaya't hindi tatayo ang mga masama sa paghatol,
- Ni mananatili ang mga makasalanan sa gitna ng kapisanan ng mga matuwid.
- 6 Sapagkat kilala ni Yahweh ang daan ng mga matuwid,
- Ngunit ang daan ng mga masama ay papatay.
Kabanata 2
edit
1 Bakit nagsasabwatan ang mga bansa,
- at sa walang kabuluhan ang mga bayan ay nagpaplano?
2 Inihanda ng mga hari sa lupa ang kanilang sarili,
- at ang mga pinuno ay nagsisangguni,
laban kay Yahweh at sa kaniyang binuhusan ng langis, na nagsasabi,
- 3 “Ang kanilang panggapos ay ating lagutin,
- at itapon ang kanilang mga panali mula sa atin.”
4 Siya na nakaupo sa kalangitan ay tumatawa;
- at si Yahweh ay kumukutya sa kanila.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
- at tatakutin sila sa kaniyang matinding galit, na nagsasabi,
6 “Gayunma'y inilagay ko ang aking hari sa Sion, sa aking banal na burol.”
7 Ipapahayag ko ang utos ni Yahweh: Sinabi niya sa akin,
- "Ikaw ay aking anak, At ngayon ay ang araw ng iyong kapanganakan."
8 Humingi ka sa akin at ang mga bansa ay gagawin kong mana mo,
- at ang mga dulo ng lupa ay magiging iyo.
9 Sila'y iyong babaliin ng pamalong bakal,
- at dudurugin mo sila gaya ng banga.”
10 Kaya't ngayon, O mga hari, kayo'y magpakapantas;
- O mga pinuno ng lupa, kayo'y magsihanda.
11 Kayo'y maglingkod kay Yahweh na may takot,
- at magalak na may panginginig,
12 ang anak ay inyong hagkan, baka magalit siya at kayo'y mapahamak sa daan;
- sapagkat ang kaniyang poot ay madaling mag-alab.
Mapapalad ang lahat na nanganganlong sa kanya.
Kabanata 23
edit
- 1 Si Yahweh aking pastor, hindi ako magkukulang.
- 2 Sa luntiang pastulan niya ako pinahihiga.
- Sa tahimik na tubig, ako ay pinapatnubayan niya.
- 3 Kaniyang inangat ang aking kaluluwa, sa landas ng katuwiran ako'y kaniyang inihatid dahil sa kanyang pangalan.
- 4 Kahit sa libis ng dilim ako'y dumaan, hindi ako natatakot dahil ikaw ang kasama ko.
- Ang iyong pamalo't tungkod ay nagsisilbing aking kaaliwan.
- 5 Aking hapag ay inihanda sa harap ng aking mga kaaway.
- 6 Walang hanggan kong makakasama ang kabutihan at pag-ibig ni Yahweh.
- Sa kanyang tahanan ako magpapahinga at doon ako mananatili magpakailanman.
Kabanata 40
edit
Para sa Punong Manunugtog. Isang Salmo ni David.
- 1 Nang maghintay ako nang may pagtitiis para sa Yahweh,
- Siya'y nakalingon sa akin at dininig ang aking daing.
- 2 At ako'y pinaahon Niya mula sa kumunoy ng kasamaan, mula sa putik na nagsisidatingan;
- at itinayo Niya ang aking mga paa sa isang malaking bato,
- at nagbigay sa akin ng matibay na patutunguhan.
- 3 At ibinigay Niya sa akin ang isang bagong awit,
- isang pagpupuri sa aming Diyos.
- Makikita ito ng marami at mangatatakot,
- at magtitiwala kay Yahweh.
- 4 Mapalad ang taong nagtitiwala kay Yahweh,
- na hindi nagbibigay-pansin sa mga palalo
- at sa mga nagsisitalikod sa mga kasinungalingan.
- 5 Yahweh, aking Diyos, marami ang mga kamangha-manghang gawa na ginawa mo,
- at ang mga pag-iisip mong para sa amin.
- Hindi ito kayang ihayag nang husto.
- Kung aking sasabihin at ipapahayag, sila'y hindi mabilang.
- 6 Hindi mo hiniling ang mga hain at mga handog na sinunog,
- ngunit binuksan mo ang aking mga tainga.
- Hindi mo hiningi ang mga hain para sa kasalanan.
- 7 Kaya't sinabi ko, "Narito, ako'y dumarating;
- sa balumbon ng aklat ay nakasulat ang tungkol sa akin.
- 8 Ikinalulugod ko na gawin ang iyong kalooban, aking Diyos.
- Nasa aking puso ang iyong kautusan."
- 9 Ipinaaabot ko sa karamihan ang magandang balita ng katuwiran sa dakilang pagtitipon.
- Kaya't hindi ko ikakaila, Yahweh,
- huwag mong ilihim ang iyong katuwiran sa akin.
- 10 Hindi ko itinatago ang iyong katuwiran sa aking puso,
- at nagpapahayag ako ng iyong katapatan at kaligtasan.
- Hindi ko itinatago ang iyong pag-ibig at katotohanan sa dakilang pagtitipon.
- 11 Huwag mo akong pabayaan, Yahweh,
- at patuloy na ingatan ang iyong pag-ibig at katotohanan upang ako'y maligtas.
- 12 Sapagkat ako'y napalibutan ng maraming kasamaan;
- ang aking mga kasalanan ay lumipad paitaas,
- at hindi ko na kaya itong harapin.
- Sila'y mas marami pa sa mga buhok ng aking ulo,
- at ang aking puso ay sumuko na.
- 13 Ipagkaloob mo sa akin ang pagliligtas, Yahweh;
- pagmamadaliin mo akong tulungan, Yahweh.
- 14 Dapat silang magdusa at malito nang sabay-sabay
- na nangangarap na sirain aking kaluluwa.
- Dapat silang lumayo at mapahiya na nagagalak sa pagdurusa ko.
- 15 Dapat silang maging walang kabuluhan,
- ang mga nagsabi sa akin: "Aha! Aha!"
- 16 Mangagalak at magalak sa iyo ang lahat ng nag-iingat sa iyo.
- Sila'y lagi nang magsasabi: "Ang Panginoon ay dakila!"
- 17 Ako'y dukha at nangangailangan, ngunit iniisip ako ng Panginoon.
- Ikaw ang aking katulong at tagapagligtas;
- huwag kang maglaon, O Diyos ko.
Kabanata 91
edit
- 1 Siya na tumitira sa lihim na dako ng Kataastaasang Diyos,
- sa lilim ng Makapangyarihan ay magpapahinga.
- 2 Makapagsasabi kay Yahweh, “Siya'y muog ko't kanlungan,
- ang Diyos ko na tanging mapagkakatiwalaan.”
- 3 Siya'y magliligtas sa iyo mula sa masamang silo, sa nakamamatay na salot.
- 4 Sa pamamagitan ng Kaniyang mga bagwis ay tatakpan ka Niya,
- at sa ilalim ng Kaniyang mga pakpak ay manganlong ka;
- ang Kaniyang katotohanan ay isang kalasag at baluti.
- 5 Hindi ka matatakot sa takot sa gabi,
- ni sa mga pana na lumilipad sa araw,
- 6 ni sa salot na umaikot sa kadiliman,
- ni sa pagkapuksa na sumisira sa tanghali.
- 7 Isang libo man ay mahulog sa iyong tagiliran,
- At sampung libo man sa iyong kanan,
- Hindi ka niya malalapitan.
- 8 Sa pamamagitan ng mga mata mo lamang titingnan,
- Ang gantimpala ng masama ay iyong makikita nang tuwiran.
- 9 Sapagkat ikaw Yahweh ang aking kanlungan at tahanan.
- Ang Kataastaasan ang iyong kinapapalooban.
- 10 Hindi ka masasaktan ng masamang nangyayari sa paligid mo,
- ni ng anumang salot na pumapasok sa inyong tahanan.
- 11 Sapagkat ipag-uutos Niya ang Kaniyang mga anghel na ingatan ka
- sa lahat ng iyong mga lakad.
- 12 Sasaluhin ka nila ng kanilang mga kamay
- upang hindi na mapuksa ang iyong paa sa bato.
- 13 Sasalungatin mo ang leon at ahas,
- tataapakan mo ang batang leon at ahas.
- 14 “Dahil siya'y nag-alay ng pag-ibig akin, ililigtas ko siya;
- Itataas ko siya dahil kilala niya ang aking pangalan.
- 15 Kung magtawag siya sa akin, ako'y sasagot;
- ako'y kasama niya sa kaniyang kabagabagan;
- Ililigtas ko siya at ipaparangal ko siya.
- 16 Pahahabain ko ang kaniyang buhay
- at ipakikita ko sa kaniya ang aking kaligtasan.”
Kabanata 136
edit
1 O magpasalamat kayo kay Yahweh; sapagkat siya'y mabuti;
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
2 O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
3 O magpasalamat sa Panginoon ng mga panginoon,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
4 Siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
5 Siya na sa pamamagitan ng unawa ay ginawaang kalangitan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
6 Siya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
7 Siya na gumawa ng mga dakilang tanglaw,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
8 At ng araw upang ang araw ay pagharian,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
9 At ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
10 Siya ang pumaslang sa mga panganay ng mga Egipcio,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
11 At mula sa kanila, ang Israel ay inilabas,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
12 Sa pamamagitan ng malakas na kamay at ng unat na bisig,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
13 Siya na sa Dagat na Pula ay humawi,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
14 At sa gitna nito ang Israel ay pinaraan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
15 Ngunit nilunod si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Pulang Dagat,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
16 Siya na pumatnubay sa kaniyang bayan sa ilang,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
17 Siya na sa mga dakilang hari ay pumatay,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
18 At sa mga bantog na hari ay pumaslang,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
19 Kay Sihon na hari ng mga Amorita,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
20 At kay Og na hari ng Basan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
21 At ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
22 Isang pamana sa Israel na kaniyang tauhan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
23 Siya ang nakaalala sa atin sa ating mababang kalagayan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
25 Siya na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.
26 O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan,
- Sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay walang hanggan.