Bibliya (Tagalog)
Ang Bibliya ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Judaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.
Sa Judaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomio at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterocanonico o Apocrifa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apocrifa o Deuterocanonico ng mga Katoliko. Sa Etiopeng Ortodoxo, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodoxo, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostico), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.
Mga Aklat ng Bibliya
editLumang Tipan
editGenesis | Exodo | Levitico | Mga Bilang | Deuteronomio | Josue | Mga Hukom | Ruth | 1 Samuel | 2 Samuel | 1 Mga Hari | 2 Mga Hari | 1 Mga Cronica | 2 Mga Cronica | Ezra | Nehemias | Ester | Job | Mga Awit (Mga Salmo) | Mga Kawikaan | Mangangaral | Awit ni Solomon (Awit ng mga Awit) | Isaias | Jeremias | Mga Panaghoy | Ezekiel | Daniel | Hosea | Joel | Amos | Obadias | Jonas | Mikas | Nahum | Habakuk | Zefanias | Hagai | Zacarias | Malakias
Deuterocanonico para sa mga Katoliko at Silangang Ortodoxo
Tobit | Judit | Ester (Griego) | Karunungan ni Solomon | Eclesiastico (Sirac) | Baruc | Sulat ni Jeremias (Baruc 6) | Awit ng Tatlong Kabataan (Daniel 3:24-90) | Susana (Daniel 13) | Si Bel at ang Dragon (Daniel 14) | 1 Macabeo | 2 Macabeo
Deuterocanonico para sa mga Silangang Ortodoxo lamang
1 Esdras (Griegong Esdras) | Ang Panalangin ni Manases | Awit 151 (Salmo 151) | 3 Macabeo | 2 Esdras (Latinong Esdras) | 4 Macabeo
--Iba pang mga Aklat--
Mga Jubileo | Enoc | 1 Meqabyan | 2 Meqabyan | 3 Meqabyan
Bagong Tipan
editMateo | Marcos | Lucas | Juan | Mga Gawa | Mga Taga-Roma | 1 Mga Taga-Corinto | 2 Mga Taga-Corinto | Mga Taga-Galacia | Mga Taga-Efeso | Mga Taga-Filipos | Mga Taga-Colosas | 1 Mga Taga-Tesalonica | 2 Mga Taga-Tesalonica | 1 Timoteo | 2 Timoteo | Tito | Filemon | Mga Hebreo | Santiago | 1 Pedro | 2 Pedro | 1 Juan | 2 Juan | 3 Juan | Judas | Pahayag (Apocalipsis)
Apocrifa ng Bagong Tipan
editDidache | Si Rupino na Nakatatanda sa Akileya; Ang Pahiwatig Niya sa Aklat ni Clemente Tungkol sa Mga Paalala | 1 Mga Paalala ni Clemente (Recognitions of Clement Book 1) | Ebanghelyo ni Tomas
Mga Panlabas na Kawing
editTingnan din
editTalababa
edit- ↑ O Apocrifa na katawagan ng mga Protestante; bahagi rin ito ng Lumang Tipan sa Bibliya ng mga Katoliko at Silangang Ortodoxo