Ang Ebanghelyo ayon kay Lucas
Support
Kabanata 1
edit
1 Yamang maraming nagtangkang bumuo ng isang salaysay tungkol sa mga gawa na naganap sa atin, 2 alinsunod sa ibinigay nila sa atin, na silang buhat sa pasimula ay mga saksing nakakita at mga ministro ng Salita, 3 at, matapos ang aking masusing pagsisiyasat sa lahat buhat sa simula, minabuti kong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, 4 upang malaman mo ang tungkol sa katunayan ng mga bagay na itinuro sa iyo.
5 Noong panahon ng pamamahala ni Herodes, hari ng Judea, may isang pari na nagngangalang Zacarias ng pangkat-pari ni Abias at ang kaniyang asawa na isa sa mga anak na babae ni Aaron, na ang pangalan nito ay Elisabet. 6 Pareho silang gumagawa ng mabuti sa paningin ng Diyos, sumusunod sa lahat ng kaniyang mga utos at tuntunin nang walang kapintasan. 7 Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at pareho silang nilipasan na ng mga taon 8 Lumipas nga, habang isinasagawa niya ang tungkulin ng pagkapari sa harapan ng Diyos ayon sa pagkasunod ng kaniyang pangkat, 9 ayon sa kaugalian ng tungkuling pagkapari, ang kaniyang palad ay pumunta sa templo ng Panginoon at magsunog ng insenso. 10 Ang buong karamihan ng tao ay nagdarasal sa labas sa oras ng paghahandog ng insenso.
11 Isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya, nakatayo sa kanang bahagi ng altar ng insenso. 12 Si Zacarias ay nagulat, at siya ay natakot. 13 At sinabi sa kaniya ng anghel: "Huwag kang matakot, Zacarias. Ang iyong panalangin ay dininig, at ang iyong asawang si Elisabet ay manganganak ng isang anak na lalaki, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan. 14 Siya ay magdadala sa iyo ng kagalakan at kaligayahan, at maraming tao na sa kaniyang kapanganakan ay magagalak. 15 Sa katunayan, siya ay magiging dakila sa harap ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o inuming matapang, at mapupuspos siya ng Espiritu Santo kahit mula pa sa sinapupunan ng kaniyang ina. 16 Panunumbalikin niya ang maraming anak ng Israel sa Panginoon na kanilang Diyos. 17 Siya ay pumunta sa harapan niya sa espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang ibaling ang mga puso ng mga ama sa kanilang mga anak, at ang suwail sa karunungan ng matuwid upang ihanda ang isang bayang nakalaan para sa Panginoon."18 "Paano ko matitiyak na ito ay totoo?" ang tanong ni Zacarias sa anghel. "Ako ay isang matandang lalaki, at ang aking asawa ay nilipasan na ng mga taon." 19 "Ako si Gabriel," sumagot ang anghel. "Tumayo ako sa harap ng Diyos at sinugo ako upang sabihin sa iyo ang mabuting balitang ito. 20 Narito, dahil sa hindi mo pinagkatiwalaan kung ano ang sinasabi ko sa iyo, ikaw ay magiging pipi, at hindi makapagsasalita, hanggang sa dumating ang oras na kapag ang aking mga salita ay matupad. "
21 Ang mga tao sa labas ay naghihintay kay Zacarias, at nagulat sila na siya ay namalaging matagal sa loob ng templo. 22 Nang lumabas na siya, hindi na siya makapagsalita sa kanila at napagtanto nilang siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo. Kahit na siya'y tumango nang tumango, siya ay ganap nang pipi. 23 Nangyari nga, nang matapos niya ang kaniyang panahon ng paglilingkod sa templo, bumalik siya sa bahay. 24 Pagkalipas ng ilang araw ang kaniyang asawang si Elisabet ay nagbuntis, at siya ay nakatago sa loob ng limang buwan, na ang sabi, 25 "Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako ay tingnan niya, upang alisin ang aking kahihiyan sa gitna ng mga tao."
26 Nang ikaanim na buwan, ang Diyos ay nagsugo ng anghel Gabriel sa lungsod ng Nazareth sa Galilea 27 upang makipagkita sa isang birhen. Siya ay nakatuon nang ikasal sa isang lalaki na tinatawag na Jose, buhat sa angkan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria. 28 Lumapit sa kaniya ang anghel at ang sabi, "Magalak ka[1], ikaw na nabiyayaan[2], ang Panginoon ay sumasaiyo. [Pinagpala kang bukod sa mga babae][3]." 29 Ngunit nang makita niya ito, siya ay lubusang nagulumihanan sa kung ano ang sinabi nito sa kaniya at nagtaka kung anong uri ng pambungad na bati ito. 30 "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya[4] mula sa Diyos. 31 Maglilihi ka sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. 32 Magiging dakila siya at siya ay tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ama, 33 at siya ay magiging hari ng sambahayan ni Jacob magpakailanman. Ang kaniyang kaharian ay hindi kailanman darating sa isang wakas." 34 "Paano mangyayari ito?" tanong ni Maria, "Gayong hindi pa ako nakakakilala ng lalaki." 35 Sinagot siya ng anghel, "Ang Espiritu Santo ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo. Kaya naman ang isisilang mong banal na bagay ay tatawaging Anak ng Diyos. 36 At masdan mo, si Elisabet, na iyong pinsan, siya ay naglihi ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ang ika-anim na buwan niya, na sinasabi ng mga tao na hindi maaaring magbuntis. 37 Gayong sa Diyos ay walang bagay na imposible." 38 "Ako'y alipin ng Panginoon," sabi ni Maria. "Mangyaring sa akin ang ayon sa iyong salita." Pagkatapos ay iniwan na siya ng anghel.
39 Nang mga araw na iyon si Maria ay umahon at nagtungo sa bansang maburol nang may pagmamadali sa isang lungsod ng Juda, 40 at pumasok sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet. 41 At nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, sumipa ang sanggol sa kaniyang sinapupunan at si Elisabet ay napuspos ng Espiritu Santo, 42 at sumigaw siya ng malakas, "Pinagpala kang bukod sa mga babae, at pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan!" sigaw niya. 43 "At anong nangyari at dinalaw ako ng ina ng aking Panginoon? 44 Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay sumipa sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. 45 Mapalad ang babaeng sumampalataya na matutupad ang mga bagay na sinabi sa kaniya ng Panginoon.”
46 At sinabi ni Maria,
- "Dinarakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,"
- 47 at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas,
- 48 dahil napansin niya ang mababang kalagayan ng kaniyang alipin.
- Narito, kaya't mula ngayon tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi;
- 50 At ang kaniyang awa ay sa mga may takot sa kaniya sa buong panahon ng lahi nito.
- 49 sapagkat siya na maykapangyarihan ay gumawa sa akin ng mga dakilang bagay,
- at banal ang kaniyang pangalan.
- 50 At ang awa niya ay sa mga salinlahi at salinlahi na natatakot sa kaniya.
- 51 Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang mga bisig; pinagwatak-watak niya ang mga palalò sa mga haka ng kanilang puso at isip.
- 52 kinukuha niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga luklukan, at itinataas ang mga mapagpakumbaba.
- 53 Ang mga taong nagugutom siya ay pinupuno sa lahat ng mabuti, at doon sa mayayaman siya ay nagpapadala nang walang dala.
- 54 Siya ay dumating upang makatulong sa kaniyang bayang Israel, pag-alala sa kaniya sa awa,
- 55 gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang ay siya, kay Abraham at sa kaniyang lahi magpakailan man."
56 Nanatili Maria sa kaniya sa loob ng tatlong buwan at pagkatapos ay bumalik sa bahay. 57 Sumapit na ang kabuwanan ni Elizabeth at isinilang niya ang isang lalaki. 58 Nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na nagpakita ng dakilang awa sa kaniya ang Panginoon at sila'y nakigalak sa kaniya. 59 Pagsapit ng ikawalong araw ay dumating sila upang tuliin ang sanggol. Papangalanan sana nila ng Zacarias ang sanggol tulad ng pangalan ng kaniyang ama. 60 Ngunit sinabi ng kaniyang ina, “Hindi. Juan ang ipapangalan sa kaniya.” 61 "Ngunit, wala kang kamag-anak na may ganiyang pangalan,” tugon nila. 62 Sinenyasan nila ang kaniyang ama kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. 63 Humingi siya ng isang masusulatan at kaniyang isinulat, “Ang kaniyang pangalan ay Juan.” At nagulat silang lahat. 64 Noon di'y nabuksan ang kaniyang bibig at nakalagan ang kaniyang dila. Siya'y nagsimulang magsabi ng pagpupuri sa Diyos. 65 Natakot ang lahat ng naninirahan sa kanilang paligid, at pinag-usapan ang mga ito sa buong maburol na lupain ng Judea. 66 Lahat ng mga nakarinig nito ay nag-isip, “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakaniya ang kamay ng Panginoon. 67 Si Zacarias na kaniyang ama ay napuno ng Espiritu Santo at nagsalita ng hulang ito: 68 Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat dinalaw niya at tinubos ang kaniyang bayan. 69 At itinaas niya sa atin ang isang sungay ng kaligtasan, sa sangbahayan ni David na kaniyang lingkod, 70 gaya nang sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta mula noong unang panahon. 71 Siya ay nagdudulot ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mga taong galit sa amin. 72 Siya ay maawain sa ating mga magulang, pag-alala sa kaniyang banal na tipan, 73 ang mga pangakong ginawa niya sa ating amang si Abraham, 74 upang bigyan kami ng kalayaan mula sa takot, nailigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway, 75 na paglingkuran siya sa mabuti at tama ang lahat ng ginagawa ating buhay. 76 Kahit na ikaw ay lamang ng isang maliit na bata ay tatawagin kang propeta ng Kataas-taasan, sapagkat ikaw ay pumunta ng maaga ang Panginoon, upang ihanda ang kaniyang paraan, 77 upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan, 78 sa pamamagitan ng mga nag-aalaga ng awa ng Diyos sa amin, bilang siya hitsura sa kabutihan sa amin bilang ang liwayway, 79 na inilalantad ang kaniyang sarili sa mga taong umupo sa madilim at sa anino ng kamatayan, upang itakda ang aming mga paa sa mga matuwid na landas ng kapayapaan." 80 Ang batang lalaking si Juan ay lumakas sa espiritu, at nanatili sa ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.
Kabanata 2
editAng Kapanganakan ni Jesus
1 Nang mga araw na iyon ay lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar upang magpatala ang buong daigdig.
2 Ito ang unang pagtatala na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.
3 Pumunta ang lahat upang magpatala, bawat isa sa kaniyang sariling bayan.
4 Umahon din si Jose mula sa Galilea mula sa bayan ng Nazaret, patungo sa Judea, sa lunsod ni David, na tinatawag na Bethlehem, sapagkat siya'y mula sa sambahayan at lipi ni David,
5 upang magpatalang kasama ni Maria na kaniyang magiging asawa, na noon ay malapit nang manganak.
6 Samantalang sila'y naroroon, dumating ang panahon ng kaniyang panganganak.
7 At kaniyang isinilang ang kaniyang panganay na anak na lalaki[5], binalot niya ito ng mga lampin, at inihiga sa isang sabsaban sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Ang mga Pastol at ang mga Anghel 8 Sa lupaing iyon ay may mga pastol ng tupa na nasa parang na nagbabantay sa kanilang kawan sa gabi.
9 Tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, at sila'y lubhang natakot.
10 Kaya't sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan.
11 Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.
12 Ito ang magiging palatandaan ninyo: Matatagpuan ninyo ang isang sanggol na balot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13 At biglang sumama sa anghel ang isang malaking hukbo ng langit na nagpupuri sa Diyos at nagsasabi,
14 “Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.”[6] 15 Nang iwan sila ng mga anghel patungo sa langit, sinabi ng mga pastol sa isa't isa, “Pumunta tayo ngayon sa Bethlehem at tingnan natin ang nangyaring ito na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”
16 At sila'y nagmamadaling pumunta at kanilang natagpuan sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17 Nang makita nila ito, ipinaalam nila sa kanila ang mga sinabi tungkol sa sanggol na ito;
18 at lahat nang nakarinig nito ay namangha sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastol.
19 Subalit iningatan ni Maria ang lahat ng mga salitang ito, na pinagbulay-bulay sa kaniyang puso.
20 Pagkatapos ay bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, ayon sa sinabi sa kanila.
Binigyan ng Pangalan si Jesus
21 Makaraan ang walong araw, dumating ang panahon upang tuliin ang bata[7]. Tinawag siyang Jesus, ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi sa sinapupunan.
Dinala si Jesus sa Templo
22 Nang sumapit na ang mga araw ng kanilang paglilinis ayon sa kautusan ni Moises, kanilang dinala siya sa Jerusalem upang iharap siya sa Panginoon
23 (ito ay ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay tatawaging banal sa Panginoon”).
24 At upang magbigay ng isang hain ayon sa sinabi sa kautusan ng Panginoon: "Isang pares ng batubato o dalawang batang kalapati."
25 Noon ay may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan na naghihintay sa kaaliwan ng Israel at nasa kaniya ang Espiritu Santo.
26 Ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo na hindi niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
27 Sa patnubay ng Espiritu ay pumasok siya sa templo. Nang ipasok ng mga magulang sa templo ang sanggol na si Jesus upang gawin sa kaniya ang naaayon sa kaugalian sa ilalim ng kautusan,
28 inilagay niya ang sanggol sa kaniyang mga bisig, pinuri ang Diyos, at sinabi,
29 “Panginoon, ngayon ay hayaan mong ang iyong alipin ay pumanaw na may kapayapaan,
- ayon sa iyong salita,
30 sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, 31 na iyong inihanda sa harapan ng lahat ng mga tao, 32 isang ilaw upang magpahayag sa mga Hentil,
- at para sa kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.”
33 Ang ama at ina ng bata ay namangha sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya.
34 Sila'y binasbasan ni Simeon at sinabi kay Maria na kaniyang ina, “Ang batang ito ay itinalaga para sa pagbagsak[8] at pagbangon ng marami sa Israel at pinakatanda na sasalungatin,
35 at tatagos ang isang tabak sa iyong sariling kaluluwa upang mahayag ang iniisip ng marami.”
36 Mayroong isang babaing propeta, si Ana na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Siya ay napakatanda na at may pitong taong namuhay na kasama ng kaniyang asawa mula nang sila ay ikasal,
37 at bilang isang balo hanggang walumpu't apat na taong gulang. Hindi siya umalis sa templo kundi sumamba roon na may pag-aayuno at panalangin sa gabi at araw.
38 Pagdating niya sa oras ding iyon, siya'y nagpasalamat sa Diyos at nagsalita nang tungkol sa sanggol[e] sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
Ang Pagbabalik sa Nazaret 39 Nang magampanan na nila ang lahat ng mga bagay ayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayang Nazaret.
40 At lumaki ang bata, lumakas, napuno ng karunungan, at sumasakaniya ang biyaya ng Diyos.
Ang Batang si Jesus sa Templo
41 Noon, taon-taon ay nagtutungo ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng Paskuwa.
42 Nang siya'y labindalawang taon na, umahon sila ayon sa kaugalian patungo sa kapistahan.
43 Nang matapos na ang kapistahan, sa pagbabalik nila ay nanatili ang batang si Jesus sa Jerusalem, ngunit hindi ito alam ng kaniyang mga magulang.
44 Ngunit sa pag-aakala nilang siya'y kasama ng mga manlalakbay, nagpatuloy sila ng isang araw na paglalakbay. Pagkatapos ay kanilang hinahanap siya sa mga kamag-anak at mga kakilala,
45 at nang di nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya.
46 Pagkalipas ng tatlong araw, kanilang natagpuan siya sa templo na nakaupo sa gitna ng mga guro na nakikinig at nagtatanong sa kanila.
47 Ang lahat ng nakikinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.
48 Nang siya'y makita nila ay nagtaka sila at sinabi sa kanyia ng kaniyang ina, “Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganito? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay naghahanap sa iyo na may pag-aalala.”
49 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”[f]
50 At hindi nila naunawaan ang salitang sinabi niya sa kanila.
51 Umuwi siyang kasama nila, at dumating sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kaniyang ina ang mga bagay na ito sa kaniyang puso.
52 Lumago si Jesus sa karunungan, sa pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
Talababa
edit- ↑ 1:28 Maaari ding isalin bilang "mabuhay ka" o "sumaiyo ang kapayapaan".
- ↑ 1:28 Ang salitang kecharitoméni mula sa Griego ay maaari ding isalin bilang "pinuspos ng biyaya" o kaya ay "lubos na kinalulugdan".
- ↑ 1:28 Sa ibang manuskrito ay wala nito.
- ↑ 1:30 o kaya'y kaluguran
- ↑ 2:7 panganay o panganay na anak na lalaki: Ang terminong ito ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng ilang mga karapatan, pribilehiyo, at obligasyon; cf. Ex 13.1-2, 11-16. Ang salita ay ginagamit kahit na sa modernong panahon nang hindi kinakailangang nagpapahiwatig ng kasunod na mga kapanganakan.
- ↑ 2:14 Sa ibang sinaunang kasulatan, mababasa ito: "kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban".
- ↑ 2:21 Kung paanong si Juan na nauna sa kaniya ay isinama sa bayang Israel sa pamamagitan ng kaniyang pagtutuli, gayundin ang batang ito.
- ↑ 2:34 Para sa pagbagsak o pagkahulog: ibig sabihin, sa diwa na sa pagtanggi sa kaniyang mga pag-aangkin ay marami ang magkasala nang malubha.