Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos
Support
Kabanata 1
edit1 Ito ang simula ng ebanghelyo tungkol kay Jesu-Cristo, [na Anak ng Diyos]. 2 Tulad ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias,
“Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo;
- ihahanda niya ang iyong daraanan.
3 Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:
- ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
- gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
4 At dumating nga sa ilang si Juan Bautista na nangangaral,[b] “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos.” 5 Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y bininyagan niya sa Ilog Jordan.
6 Ang damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo, at balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan. 7 Ito ang ipinapahayag niya sa mga tao, “Ang darating na kasunod ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalas man lamang ng tali ng kanyang sandalyas.[c] 8 Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.”