Ang Unang Sulat ni Pablo kay Timoteo
Support
Kabanata 3
edit14 Inaasahan kong mapupuntahan kita kaagad, ngunit isinusulat ko ang mga tagubiling ito sa iyo, 15 upang sa gayon, kung ako man ay matagalan, malalaman mo kung paano ang dapat ugaliin ng isa sa sambahayan ng Diyos, na siyang Simbahan ng Diyos na buhay, ang haligi at saligan ng katotohanan. 16 Dakila marahil, ating inihahayag, ang hiwaga ng kabanalan:
- Siya ay nahayag sa laman,
- pinatotohanan ng Espiritu,
- nakita ng mga anghel,
- ipinangaral sa mga bansa,
- sinampalayatanan sa sanlibutan,
- iniakyat sa kaluwalhatian.