Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356173Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


—Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang ng̃ayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami ng̃ taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinang̃anac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang mg̃a lisyang caasalan nito, cung anó ang pinang̃ang̃ailang̃an niyon, cung sino ang nang̃ing̃ibig sa bawa't dalaga, cung ano anong mg̃a pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá ng̃ batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nang̃ag-iing̃at ng̃ mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinung̃aling aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang mg̃a lupà at doon camí naguíng magcaibigan. Ng̃ayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio"; ng̃ aco'y umalís, bahagya na acó inihatid ng̃ ilang mg̃a matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong dalawampong taón!

Ng̃uni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán ng̃ inyong mg̃a sinabi sa pagcacaális ng̃ "estanco ng̃ tabaco"[54]—ang sagot ng̃ may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom ng̃ franciscano ng̃ isang copita ng̃ Jerez[55].

Sa pangguiguilalas ng̃ dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at:

—¿Paano? ¿paano?—ang sinabi pagcatapos ng̃ boong pagtatacá.—Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang casíng liwanag ng̃ ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita,