Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356172Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


—Acó, sa halimbáwà—ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at ng̃ dî na macaimíc ang canyang causap—aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco ng̃ mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin ng̃ alinsunod sa mg̃a carunung̃an at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá ng̃ aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit ng̃a, ng̃uni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang mg̃a babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't ng̃ macaraan ang tatlóng taón, ng̃ aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy ng̃ curang "indio" roon, nang̃agsipanang̃is ang lahat ng̃ babae, pinuspos acó ng̃ mg̃a handóg, inihatid nila acong may casamang música....

—Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....

—¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacaning̃as! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at ng̃ siya'y umalís ay lalò ng̃ marami ang naghatíd, lalo ng̃ marami ang umiyác at lalo ng̃ mainam ang música, gayóng siya'y lalò ng̃ mainam mamálò at pinataas pa ang mg̃a "derechos ng̃ parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.

—Ng̃uni't itutulot ninyó sa aking....