Huag Acong Salangin Nino Man/14
—¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?—ang inulit ni Fr. Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.—¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon ng̃ cura sa canyáng libing̃an ang bangcáy ng̃ isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò ng̃ waláng catuwirang macapagparusa. ¡At ng̃ayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng generalito Calamidad[65] ...!
—¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador General) ay Vice-Real Patrono[67],—ang sigaw ng̃ teniente na nagtindíg.
—¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!—ang sagót ng̃ franciscanong nagtindíg din.—Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y kinaladcád sana siyá ng̃ pababâ sa hagdanan, tulad ng̃ minsa'y guinawâ ng̃ mg̃a Capisanan ng̃ mg̃a fraile sa pusóng na Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang mg̃a panahóng iyón ang tunay na panahón ng̃ pananampalataya!