Huag Acong Salangin Nino Man/16
—¡Tiguil!—ang sigáw ng̃ tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay nag-uutos sa canyáng mg̃a sundalo;—¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang Carilagán!...
—¡Lacad na cayó ng̃ayón din, lacad na cayó!—ang sagót ng̃ boong paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang camáy.—¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche!
Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagaling̃ang palad ay nakialam ang dominico.—¡Mg̃a guinoo!—ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa mg̃a fraile;—huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang mg̃a bagay, at howag namán cayóng humánap ng̃ mg̃a paglapastang̃an sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa mg̃a pananalitâ ni Fr. Dámaso ang mg̃a pananalitâ ng̃ tao sa mg̃a pananalitâ ng̃ sacerdote. Ang mg̃a pananalitâ ng̃ sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít ng̃ loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós ng̃ catotohanan. Sa mg̃a pananalitâ ng̃ tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang mg̃a sinasabing "ab irato"[74], ang mg̃a sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang mg̃a sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít ng̃