Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356180Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


loob: sacali't dating tinatagláy ng̃ "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan ng̃ salitàan, cung mayroong....

—¡Ng̃uni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang mg̃a cadahilanan, pári Sibyla!—ang isinalabat ng̃ militar, na nakikita niyáng siya'y nabibilot ng̃ gayóng caraming mg̃a pag tatang̃itang̃i, at nang̃ang̃anib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may casalanan.—Nalalaman co ang mg̃a cadahilanan at papagtatang̃iin ng̃ "cagalang̃an pô ninyo" (papagtatang̃itang̃iin pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng ng̃ coadjutor[80] ang bangcáy ng̃ isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nang̃umpisál cailan man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nang̃ung̃umpisál, ng̃uni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinung̃aling̃an, isáng paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan ng̃ boong pag-irog at mg̃a pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám ng̃ canyang mg̃a catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang mg̃a ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin ng̃ "cagalang̃an" pô ninyó.

At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy ng̃ pananalitâ:

—Ng̃ magcágayo'y ng̃ magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás ng̃ libing̃an, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay ng̃a't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang