Huag Acong Salangin Nino Man/18
canyang bugtóng na anác; ng̃uni't nabalitaan ng̃ Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hining̃i ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó ng̃â lamang ang nangyari. Ng̃ayo'y gawín ng̃ "inyó pong cagalang̃án" ang pagtatang̃itang̃i.
At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.
—Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapang̃anib ani párì Sibylang may pighatî.—Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....
—¡Anó bang pakikinabang̃in! ¿At ang nawáwalâ sa mg̃a paglipat ... at ang mg̃a papel ... at ang mg̃a ... at ang lahát ng̃ mg̃a náliligwín?—ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil ng̃ galit.
Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.
Nang̃agsidatíng ang ibá pang mg̃a tao, caacbáy ang isáng matandáng castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig ng̃ isáng matandáng babaeng filipinang punô ng̃ culót ang buhóc, may mg̃a pintá ang mukhâ at nacasuot europea.
Sila'y sinalubong ng̃ bating catoto ng̃ naroroong pulutóng, at nang̃agsiupô sa tabí ng̃ ating mg̃a cakilala ang Doctor De Espadaña at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y napapanood ang iláng mg̃a "periodista"[81] at mg̃a "almacenero"[82] na nang̃agpaparoo't parito at waláng maalamang gawín.
—Ng̃uni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì ng̃ bahay?—ang tanóng ng̃ binatang mapulá ang buhóc.—Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83].
—Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita.
—¡Dito'y hindî cailang̃anang mg̃a pagpapakilala!—ang isinabád ni Fr. Dámaso,—Si Santiago'y isáng táong mabaít.
—Isang táong hindi nacátuclas ng̃ pólvorâ—ang idinugtong ni Laruja.