Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356183Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


II
CRISOSTOMO IBARRA

Hindî magagandá at mabubuting bíhis na mg̃a dalaga upang pansinín ng̃ lahat, sampô ni Fr. Sibyla; hindî ang cárilagdilagang Capitan General na casama ang canyang mg̃a ayudante upang maalís sa pagcatigagal ang teniente at sumalubong ng̃ ilang hacbáng, at si Fr. Dámaso'y maguíng tila nawal-an ng̃ díwà: sila'y walâ cung dî ang "original" ng̃ larawang naca frac, na tang̃an sa camáy ang isáng binatang luksâ ang boong pananamit.

—¡Magandang gabí pô, mg̃a guinoo! ¡Magandang gabí pô "among"[85]!—ang unang sinabi ni Capitang Tiago, at canyáng hinagcan ang mg̃a camáy ng̃ mg̃a sacerdote, na pawang nacalimot ng̃ pagbebendicion. Inalís ng̃ dominico ang canyang salamín sa mata upang mapagmasdan ang bagong datíng na binatà at namumutlâ si Fr. Dámaso at nangdídidilat ang mg̃a matá.

—¡May capurihan acóng ipakilala pô sa inyó si Don Crisòstomo Ibarra, na anác ng̃ nasirà cong caibigan!—ang ipinagpatuloy ni Capitang Tiago.—Bagong galing sa Europa ang guinoong ito, at siya'y aking sinalubong.

Umaling̃awng̃aw ang pagtatacá ng̃ máring̃ig ang pang̃alang ito; nalimutan ng̃ tenienteng bumatì sa may bahay, lumapit siya sa binatà at pinagmasdan niya ito, mulâ sa paa hanggang ulo. Ito'y nakikipagbatian ng̃ mg̃a ugaling salitâ ng̃ sandalíng iyon sa boong pulutóng; tila mandin sa canya'y walang bagay na naíiba sa guitnâ ng̃ salas na iyon, liban na lamang sa canyang