Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356187Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


III
ANG HAPUNAN
Jele jele bago quiere,[86]

Tila mandîn totoong lumiligaya si Fr. Sibyla: tahimic na lumalacad at hindî na námamasid sa canyáng nang̃ing̃ilis at manipís na mg̃a labì ang pagpapawaláng halagá; hanggáng sa marapating makipagusap sa pilay na si doctor De Espadaña, na sumásagot ng̃ putól-putól na pananalitâ, sa pagcát siya'y may pagcá utál. Cagulatgulat ang samâ ng̃ loob ng̃ franciscano, sinisicaran ang mg̃a sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán ng̃ masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casaganàan ng̃ haying pagcain. Pinacunot ni Doña Victorina, gayón man, ang canyáng ilóng; ng̃uni't caracaraca'y luming̃óng malakí ang gálit, cawang̃is ng̃ natapacang ahas: mangyari'y natuntung̃an ng̃ teniente ang "cola" ng̃ canyáng pananamít.

—Datapuwa't ¿walâ pô bâ, cayóng mg̃a matá?—anyá.

—Mayroon pô, guinoong babae, at dalawáng lalóng magalíng cay sa mg̃a matá ninyó; datapowa't pinagmámasdan co pô iyang inyóng mg̃a culót ng̃ buhóc—ang itinugón ng̃ militar na iyong hindî totoong mápagparayâ sa babae, at sacâ lumayô.

Bagá man hindî sinasadya'y capuwâ tumung̃o ang dalawáng fraile sa dúyo ó ulunán ng̃ mesa, marahil sa pagca't siyáng pinagcaratihan nilá at nangyari ng̃â ang mahíhintay, na tulad sa