Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356188Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


nang̃agpapang̃agaw sa isáng cátedra[87]: pinupuri sa mg̃a pananalitâ ang mg̃a carapatán at cataásan ng̃ ísip ng̃ mg̃a capang̃agáw; datapua't pagdaca'y ipinakikilala ang pabaligtad, at nang̃ag-úung̃ol at nang̃ag-uupasalà cung hindî silá ang macapagtamó ng̃ caniláng hang̃ád.

—¡Ucol pô sa inyó, Fr. Dámaso!

—¡Ucol pô sa inyó, Fr. Sibyla!

—Cayo ang lalong unang cakilala sa bahay na itó ... confesor ng̃ nasirang may bahay na babae, ang lalong may gulang, may carapatán at may capangyarihan....

—¡Matandáng matanda'y hindî pa naman!—ng̃uni't cayo pô naman ang cura nitong bayan!—ang sagót na matabang ni Fr. Dámasong gayón ma'y hindî binibitiwan ang silla.

—¡Sa pagca't ipinag-uutos pô ninyó'y acó'y sumusunod!—ang iniwacás ni Fr. Sibyla.

—¡Aco'y hindî nag-uutos!—ang itinutol ng̃ franciscano—¡aco'y hindî nag-uutos!

Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang mg̃a pagtutol na iyón, ng̃ macasalubong ng̃ canyang mg̃a matá ang mg̃a matá ng̃ teniente. Ang lalong mataas na oficial sa Filipinas, ayon sa caisipán ng̃ mg̃a fraile, ay totoong malakí ang cababaan sa isáng uldog na tagapaglútò ng̃ pagcain. "Cedant arma togæ"[88], ani Cicerón sa Senado; "cedant arma cotae"[89] anang mg̃a fraile sa Filipinas. Datapuwa't mapitagan si Fr. Sibyla, caya't nagsalitâ:

—Guinoong teniente, dito'y na sa mundo[90] po tayo at walâ sa sambahan; nararapat po sa inyo ang umupô rito.

Datapuwa't ayon sa anyô ng̃ canyang pananalita'y sa canya rin nauucol ang upuang iyón, cahi't na sa mundo. Ang teniente, dahil yatà ng̃ siya'y howag magpacagambalà, ó ng̃ huwag siyang umupô sa guitnâ ng̃ dalawáng fraile, sa maiclíng pananalita'y sinabing áyaw siyang umupô roon.

Alín man sa tatlóng iyo'y hindî nacaalaala sa may bahay. Nakita ni Ibarrang nanonood ng̃ boong galác at nacang̃itî sa mg̃a pagpapalamang̃ang iyón sa upuan ang may bahay.

—¡Bakit pô, Don Santiago! ¿hindi pô bâ cayó makikisalo sa amin?—ani Ibarra.