Huag Acong Salangin Nino Man/8
lácas ng̃ canyang malusóg na pang̃ang̃atawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang mg̃a pagting̃ing nacalálaguim, ang canyáng malalapad na mg̃a pang̃á at batìbot na pang̃ang̃atawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] ng̃ Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay ng̃ abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawang̃is ng̃ "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos ng̃ panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ ng̃ gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp ng̃ gayóng ugalî ng̃ canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita ng̃ mg̃a paang waláng calcetín at mg̃a bintíng mabalahíbo, na icakikita ng̃ maraming pagcabuhay ng̃ isáng Mendicta sa mg̃a feria sa Kiapò.
Ang isa sa mg̃a paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatáng̃ì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan ng̃ franciscano.
—Makikita rin ninyó—ang sabi ng̃ franciscano—pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala ng̃ bayan ng̃ Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!
—Ng̃uni't....