Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356190Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


—Baligtád pô; bagá man ang kinaguisnan cong lupa'y tila mandin linilimot na acó, siyá'y laguì cong inaalaala.

—¿Anó po ang íbig ninyóng sabihin?—ang tanóng ng̃ mapuláng buhóc.

—Ibig cong sabíhing may isang taón na ng̃ayóng hindî aco tumátangap ng̃ ano mang balità tungcol sa bayang itó, hanggang sa ang nacacatulad co'y ang isang dî tagaritong hindî man lamang nalalaman cung cailan at cung paano ang pagcamatay ng̃ canyang ama.

—¡Ah!—ang biglang sinabi, ng̃ teniente.

—At ¿saan naroon pô cayo at hindî cayo tumelegrama?—ang tanong ni Doña Victorina.—Tumelegrama cami sa "Peñinsula"[94] ng̃ cami'y pacasal.

—Guinoong babae; nitong huling dalawang tao'y doroon aco sa dacong ibabâ ng̃ Europa, sa Alemania at sacâ sa Colonia rusa.

Minagaling ng̃ Doctor De Espadaña, na hanggá ng̃ayo'y hindî nang̃ang̃ahás magsalitâ, ang magsabi ng̃ cauntî:

—Na ... na ... nakilala co sa España ang isang polacong tagá, Va ... Varsovia, na ang pang̃ala'y Stadtnitzki, cung hindî masamâ ang aking pagcatandâ; ¿hindî pô bâ ninyó siya nakikita?—ang tanong na totoong kimî at halos namumula sa cahihiyan.

—Marahil pô—ang matamís na sagót ni Ibarra—ng̃uni't sa sandalîng itó'y hindî ko naaalaala siyá.

—¡Aba, hindî siyá maaring ma ... mapagcamal-an sa iba!—ang idinugtóng ng̃ Doctor na lumacás ang loob.—Mapulá ang canyáng buhóc at totoong masamáng mang̃astílà.

—Mabubuting mg̃a pagcacakilalanan; ng̃uni't doo'y sa casaliwàang palad ay hindî aco nagsasalitâ ng̃ isa man lamang wicang castílà, liban na lamang sa ilang mg̃a consulado.

—At ¿paano ang inyóng guinágawang pamumuhay?—ang tanong ni Doña Victorinang nagtátaca.

—Guinagamit co pô ang wícà ng̃ lupaíng aking pinaglálacbayán, guinoong babae.